Tuesday, March 29, 2005

wala lang 03

eto pa. i read this from a book about artificial intelligence nung ginamit ko ang topic na ito for my En11 research paper. From Blaise Pascal : " The heart has its reasons that reason does not know" . Totoo naman diba? hehe.

Saturday, March 26, 2005

wala lang 02

i really cannot remember kung saan ko napanood ito pero ang ganda ng sinabi. life is not about how many times we breathe but about the times that take our breath away.

Friday, March 25, 2005

one good day comin up.

we watched the movie ms congeniality. as usual, ang galing ulit ni sandra and i enjoyed the movie again. anyways, while inside the movie, the phonecall that ive been waiting ay biglang dumating. ibm called me and told me that i passed their test and im scheduled for an interview on monday, march28. grabe, it feels so nice na yung inaasam mo ay unti-unti mo nang nakukuha. tapos, nagkita pa kami ng high school friends ko sa movie, kaya iyon, after the movie sumama na ako sa kanila and we went to a classmate's house. yun, kainan, kwentuhan, tawanan. umabot kami ng hanggang 12 midnyt sa sobrang daming kwento at sobrang namiss namin ang isa't isa. siyangapala, i am so happy din kasi the members of the voltes team also got a txt from pldt. e di enjoy, sama-sama kaming pupunta dun.

it was really a good day that i never thought ws comin. hehe

jobhunt

ang hirap maghanap ng practicum. hehe. we have to walk around makati wearing formal suits para lang makahanap ng trabaho. grabe especially nung monday, sobrang nakakapagod. we parked at the mandarin hotel. tapos naglakad kami to glorietta for lunch. tapos bumalik kami ng paseo de roxas for ken's interview sa people support. tapos ang galing ng friend ni johning. sabi punta raw kami sa headstrong, buendia corner paseo de roxas. so yun, lakad ulit kami under the scorching heat of the sun. tapos, parking lot lang ang aabutan namin sa paseo cor buendia. bad trip. tapos, we went to pasay road para magsubmit ng requirements sa fujitsu. ang sungit nung gwardiya.untik ko nang awayin. buti mabait ako.

tapos sobrang frustrated na ako dahil sabi ng ibm, monday or tuesday kami tatawagan kung nakapasa kami. tuesday na wala pa rin. tapos yun, pldt texted me. sabi, invited daw ako sa ojt camp. oh well, totoo talaga na when a door closes, a window opens. grabe na to ha.

Wednesday, March 16, 2005

Saturday

nagpractice ulit para sa cotillion ng sister ni mia.
then went to the mall and watched million dollar baby.
ok naman pala yung movie. nakakatouch. galing ni clint eastwood. he should have won best actor for that.
tapos nagsimba sa mall.
then dine out with family.
this is my typical saturday.

Friday at Greenbelt.

ok. for the past three fridays, my friends and i have been going to greenbelt and libis to relax.
last friday was a special one kasi buo ang power rangers (kim, vannie, johning, ken at ako). Nung morning, we went to school to attend doc mana's class pero free cut. sayang ang pagpasok. bumalik kami kina ken to continue with our "project" but as usual, puro motivation na naman. we played hotels.
tapos nung gabi, we went to greenbelt. grabe ang traffic sa C5. Kainis. So, sa greenbelt, nagdinner kami sa OOdys tapos starbucks, tapos konting kwentuhan then umuwi na si kim.
tapos balik starbucks then kwentuhan ulit about life. Parang ang bilis ng takbo ng oras kasi 2am na, marami pa rin kaming napagkukwentuhan.

Cramming for project

nag overnyt ulit kami kina ken
ang objective ay para gumawa ng project.
what happened?
X nagdance revo kami
X kumain ng maraming pizza
X nag-internet
X nag photo ops kami.
X walang project
X pero masaya kasi magkakasama ang power rangers

Friday, March 11, 2005

Wicked Wednesday

if there is a day that would be one of the worst days in my life, it would be last wednesday. the day started just fine. Until we were in our cs23 class. Remember the surprise midterms? i never bothered thinking about that test because we all knew that our teacher wont be able to check the papers anyway. he has a reputation of playing dart to give us a grade. we were right. he wasnt able to check the papers. however, he asked the class to check our papers. Grrrrr. As expected, i got a very low grade. 31 out of 100. that is even lower than half of the passing mark.

then i have two more long tests for the day. one for theology and one for cs154. i never bothered studying theology because we have a copy of the previous semester's test. However, we did not know that the test has two sets. and i got the other set. Damn. It was so hard. What would i do? Well, i just answered the test in the best way i can.

then after the theo test was our networks test. i was quite confident because i did study hard for this exam. Actually, it was all that i studied for the day before. SO when the test was given to us, i was eager to answer it. but no. i was quite shocked by the questions. Where in the hell did these questions come from? I couldnt remember that i read anything like these. Another misfortune in a day full of misfortunes.

Buti na lang, at the end of the day, there was something good that happened. Our moderator in AMS(Ateneo math society) treated the incoming and outgoing officers. we had dinner in yellow cab. (dapat dalawa share ko, isang outgoing and incoming). Anyways, it was quite a good night because the new officers had the time to bond. I was able to eat 4 slices of the largest pizza that they have. However, i was already tired and sleepy because i lost a lot of strength during this hell day. So we went home ahead`of the others.

eye examination

tuesday. matapos ng overnyt ay nagpunta kami sa comm department upang suportahan ang presentation ni johning. tapos ay kumuha kami ng sample test sa theology para may maaral naman. Nagrerecycle kasi ng test yung guro namin. Tapos ay naghiwa-hiwalay na kami.

Nakisabay ako kay ken papuntang robinsons galleria. Nandun pala ang optometrist ko kaya dumaan na rin ako at nagpacheck up ng mata. pagkatapos ng mahaba-habang check up, napag-alamang tumaas na naman ang grado ng mata ko. at sa panahon na ito, hindi na lang nearsightedness ang problema ko pati astigmatism na rin. Kay malas ko naman. Ayan tuloy, napabili na naman ako ng panibagong contact lens. E wala sa plano iyon.

Overnyt Monday

Nag-overnight kaming barkada sa bahay ni johning para gumawa ng cs23 project namin. sa friday na yata ang deadline nito. kainis talaga si doc mana. hehe. anyway, yun, from the practicum orientation ( na nagulantang kami dahil march 28 ang submission ng unang report), pumunta kami ng robinsons galleria upang sunduin ang kapatid ni ken. Tapos, tumungo kami sa bahay ni vannie upang kuhanin ang mga cd ng linux. ang laki ng bahay. Naabutan namin ang kanyang kapatid na si patty na nakadapa sa kama at may kausap sa telepono. hindi niya napansin ang aming pagdating. at nang nagsalita kami, bigla siyang napaupo sa kama. Si wamar pala ang kausap niya. Si mr. crabby. DANGER!!!!! Anyway, pagkatapos nun ay tumuloy na kami sa bahay ng mga umampon kay johning.

pagbaba namin sa kanila, tamang-tama at dumating din ang kuya niya na may dalang l300. aba, gusto pa yata kaming sagasaan ng kuya niya. pumasok na kami, kumain, naligo, nagkwentuhan, nagtawanan. Pero walang project na ginawa. Hahaha.

walang signal sa bahay nila. kaya't parang nahiwalay ako sa aking mundo. walangtext, tawag, o anupaman. kami lang talaga.

Monday, March 07, 2005

Wala lang 01

I was so pissed off by one of our professors. He gave us a surprise midterms exam which is completely against our magna carta. Imagine, any test is not a part of our syllabus and then here he comes telling us that we're gonna have a test four days after(comprehensive). Midterms in March? What the ....? Anyway, we couldnt do anything about it so we just studied and prepared well for the test. But no. When the test was given to us, i couldnt believe it. 70 identification items? it was so damn hard that i expect to get an F. A low F. around 20-40 out of 100 would be a good estimate on how i fared in our test.
Diyos na lang ang bahala sa kanya

wala lang 00

last Week
we joined a computer quiz bee in UP. We won first place. Buti na lang kateam namin si Mark Punzalan. hehe.
i watched a show and a song reminded me of a friend's situation. Why can't it be, why can't it be the two of us? Why cant we be lovers, only friends.
we went to greenbelt and i learned a lot from my friends. ano yun? secret!
My younger sister and i finally had the time to talk to each other after two months of ignoring each other. Namiss ko rin pala siya.
I watched 4 movies in 4 consecutive days. Infection, Lemony Snickets, Son of The Mask and the Aviator. (addict ba?)

Thursday, March 03, 2005

Pssssst! Mag-usap Kita

Noong isang lingo ay naglalakad ako sa may MRT Ortigas station at may nakita akong batang may malaking bukol sa mukha. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong dumukot ng pera sa aking pitaka. Kahapon naman ay itinapon ko sa basurahan ang mga naiwanang pinagkainan sa cafeteria. Ano naman kaya ang naghihintay sa akin bukas? Sa makalawa? Hindi ko talaga alam.


Sa pang-araw-araw nating buhay, tila merong isang tawag sa atin upang magpakatao. Sa paglalakad natin sa kalye, sa pagkain natin, sa pagtulog, o sa anumang simpleng desisyon natin sa buhay, merong tawag na magpakatao para sa atin. Merong isang tawag sa atin upang ating gawin ang dapat nating gawin bilang mga tao. At ang gawain na ito ay nakabase sa ating di-makasariling pagsasarili sa kahulugan ng kung ano ang mabuti, maganda, at totoo, basta wala tayong nasasagasaang iba sa pagsasakatuparan natin ng ating pagpapakatao at tumutungo sa isang mabuti, maganda, at totoo para sa lahat ng ating kapwa.


At sa tawag na ito upang tayo ay magpakatao, meron yatang tatlong paraan na tumutugon tayo. Una, nakikinig tayong maigi sa tawag na ito. Dinig na dinig natin ang tinig na tumatawag sa atin upang magpakatao at sumusunod tayo rito. Gagawin natin ang mga sa tingin natin na dapat gawin ng isang tunay na tao, ng tao na binibigkas bilang isang analogum. At ang tinig na ito ay naririnig maging ng mga bingi, basta merong tunay na pagnanasa na hindi lamang manatiling mga tao, kundi ganapin ang tunay na pagpapakatao. Isang halimbawa ay ang mga taong patuloy na nagsisilbi sa karamihan dahil ito ang pinaniniwalaan nila na dapat gawin ng tao. o maaari naman din itong makita sa isang manggagawa na di bali nang madungisan ang katawan, basta’t malinis ang kalooban o di kaya naman sa isang estudyante na ginagawa ang lahat ng kanyang responsibilidad. Sila ay tumutugon sa tawag na magpakatao at sumusunod sa mahiwagang tinig na tumatawag sa kanila.


May ilan namang hindi nakaririnig sa tawag na ito. Ito ay yaong mga tao na marahil ay hindi malay sa kung ano ang pagpapakatao. Hindi sila mulat sa kung ano ang dapat nilang gawin upang maipakita ang kanilang pagpapakatao. Maaaring may pagnanasa silang magpakatao ngunit maaari rin namang nasa isang di-maiiwasang sitwasyon sila na hindi pa nila kayang talusin ang ibig sabihin ng pagpapakatao. Isang halimbawa ay ang mga bata na musmos pa ang isipan. Maaaring may pagnanasa silang magpakatao ngunit dahil sa murang isipan ay hindi pa nila malaman kung ano nga ba ito.


O meron din naman yaong mga nagbibingi-bingihan. Sila yaong mga nakaririnig naman ngunit ayaw makinig. Pilit silang tinatawag na magpakatao ngunit ayaw nilang sumunod. Pilit nilang nilalabanan ang tawag na ito at bagkus, ginagawa nila ang kabaligtaran sa kung ano ang alam nilang pagpapakatao. Ginagamit ang kapwa, nananakop. Maaaring gawin nating halimbawa ang mga politiko natin. Sa araw-araw na buhay nila, nakakasalamuha nila ang napakaraming tao at alam nila na may pananagutan sila sa mga taong nasa ilalim ng kanilang pangangalaga. Ngunit ano ang ginagawa ng karamihan? Mas marami pa rin yata ang hindi gumagawa ng mabuti sa kapwa. Nagnanakaw, nanlalamang, nang-aagrabyado. Hindi ba nila narinig ang tawag na magpakatao? Imposible yata.


Ngayon tatanungin mo ako kung ano naman ang kinalaman ng pilosopiya dito. Ano ba ang ginagawa sa akin ng pilosopiya? Bakit ba ako namimilosopiya? At ano ang kinalaman ng pamimilosopiya ko sa aking pagpapakatao?
Namimilosopiya tayo sapagkat walang hanggan ang ating kakayahang mag-isip bilang mga tao. Nag-iisip tayo hindi lamang ng kung ano ang tawag sa isang hayop na may mahabang ilong o saan makikita ang chocolate hills kundi pati ng mga napahirap at walang katapusang tanong na BAKIT? Minsan nga hindi lang simpleng ano o bakit kundi ANO ba ang totoo, maganda at mabuti? Bakit ako? Bakit kailangan kong magpakatao? Ngayon, isang magandang pagkakataon ang pamimilosopiya upang magtangkang sagutin ang lahat ng walang-hanggang tanong natin, upang maliwanagan kahit gabutil na liwanag lamang ang ating mga pagtataka dahil alam natin na walang hanggan ang dapat nating tahakin upang masagot ang lahat-lahat ng ating mga katanungan at pagtataka.


Itinuturo sa atin ng Pilosopiya na buksan ang ating mga mata at tumingin ng mabuti. Gamitin natin ang lahat ng ating mga pandama upang makasalamuha at madama ang kung ano talaga ang mga totoong nangyayari. Tinuturuan tayo ng pilosopiya na magmasid, umunawa, at kumilatis upang hindi tayo malinlang at makulong na lamang sa magulong mundo ng konsepto. Realidad ang tinuturo sa atin ng Pilosopiya—isang realidad na kailangan nating pagdaanan sa bawat araw ng ating buhay, isang realidad na gawin ang dapat nating gawin bilang mga nilalang na tinatawag na tao. Magpakatao tayo, ito ang paggawa natin ng pilosopiya.


Natutunan natin sa pilosopiya na hindi sapat ang isang paggawa at iyon na ang lahat. Mahirap makulong sa katamarang iyan dahil lumalabas na nagmamarunong ka na. Tila baga alam at nasakop mo na ang lahat. Ang katotohanan na para sa iyo ay nakabase sa iyong kalayaang manakop ng mga bagay, ng mga konsepto, maging ng mismong akto ng pagpapakatao. Hindi dapat isipin na ang katotohanan at pagpapakatao ay isang karanasang autonomiya kundi isang karanasan sa kawalang hangganan. Heteronomiya. Sa paggawa ng tunay na pilosopiya (hindi ng isang pilosopiya na umiikot sa pambobola lamang), bagaman, sinusubukan na nating magpakatao, paulit-ulit tayong kinukulit nito upang paigtingin pa ang ating pagpapakatao. Dahil kahit anong gawin natin ay hindi natin nagagawa ang lahat ng dapat gawin. Dahil ang hangganan ng ating pagpapakatao ay walang hanggan. At dahil may karanasan tayo sa kawalang-hanggan, kailangang ituloy ang walang katapusang pagnanasang magpakaako. Magpakatao. Dahil kung titigil tayo rito, mali yata ang ating ginagawang pilosopiya. Titigil rin yata tayo sa paggawa ng tunay na pagpapakatao.


Pumapasok din rito ang tungkulin ng mga nakarinig sa tawag na magpakatao na hindi lamang basta magpakatao kundi iparinig din sa iba ang tawag na ito. Kaya naman babalik siya sa nakasusulasok na kahon at pilit iparirinig sa mga hindi nakarinig, kung maaari ay sigawan pa niya o kaladkarin, o di kaya naman ay mapatay pa siya sa akto ng kanyang pagpapakatao. Pilosopiya ng pagpapakatao. Pagpapakatao ang paggawa ko ng Pilosopiya.


Para naman sa mga hindi nakarinig, kumikilos ang pilosopiya sa paraang ipakikita niya ang dapat makita, iparirinig ang dapat na marinig, o ipadama ang dapat damhin. Basta’t buhay ang pagnanasang gumawa ng tunay na pilosopiya sa pamamagitan ng pagpapakatao, kakawala siya sa yungib ng kamusmusan, ng kawalang-alam, ng kabataan. Dahil sa pagnanasang ito na binubuhay ng ating mga katanungan at pagtataka sa pamimilosopiya, lalabas siya ng yungib upang makasilip sa konting liwanag na kaya niyang makita sa gitna ng walang-hangganang liwanag. At dahil gumagawa siya ng tunay na pamimilosopiya, matatalos niya na hindi sapat ito kaya’t dapat niya itong ipagpatuloy dahil sa mga dahilang nailahad na kanina at sa paraang nailahad na rin kanina.


At para naman sa mga nagbibingi-bingihan, tila ito yata ang pinakamahirap tawagin katulad ng hirap sa paggising ng isang taong nagtutulug-tulugan. Dahil nakukulong sila sa isang katamaran at sanay na sila sa iisang sistema, tila mas mahirap yatang piliting tawagin ang mga ito. Lalo na nga kung may mga pansarili pang interes na pinanghahawakan ang mga ito. Dahil masyadong tahimik sa loob ng kanyang bahay, ayaw na niyang pansinin ang mga ingay sa labas at itinuturing ang mga ito na hindi mga tunay na pangyayari. Ngayon, paano kumikilos ang pilosopiya rito? Maaaring sa una, gamitin nito ang kanyang alindog upang mang-akit. Unti-unti ka nitong dadalhin sa maganda-masalimuot, nakatutuwa-nakalulumbay, at simple-komplikadong mundo ng pamimilosopiya. Pipilitin ka nitong mag-isip, tumingin, at kumilatis sa mga tunay na nangyayari sa iyong kapaligiran. Hindi mo malalaman, gumagawa ka na pala ng Pilosopiya. Nagpapakatao ka na pala. Subalit kailangan ng ibayong pag-iingat dahil nakapanlilinlang ang alindog ng pilosopiya. Maaari mo na lamang isipin o manipulahin ang lahat-lahat ng konsepto (katulad ba ito ng ginagawa ko? Marahil hindi) upang maging kapaki-pakinabang at madaling maintindihan ang lahat. Maaari kang tamarin dahil sa sobrang ganda ng iyong namamasdan. Kaya’t sinasabi kong mag-ingat dahil delikado ang paggawa ng Pilosopiya kung hindi naman totoo. Hindi ka rin mauuwi sa pagpapakatao.


Kung hindi naman naakit ay talagang pipilitin kang makarinig. Sisigawan, sasampalin, o tatapatan ka ng “megaphone” sa tainga upang marinig mo. O may mga taong tunay na gumagawa ng pilosopiya na tutulong sa iyo. Sila ang mga taong pinanindigan ang tunay na paggawa nila sa pilosopiya. Sila ang mga taong tunay na nagpapakatao—na kahit usigin, kutyain o kahit patayin, patuloy ka nilang hihikayatin na tingnan at damhin ang katotohanan dahil meron silang pananagutan; sa iyo at sa lahat ng kapwa-tao. At hindi sila titigil hanggang matauhan ka at ikaw na mismo ay gumagawa ng pilosopiya—hanggang ikaw mismo ay nagpapakatao na. Swabe di ba?


Ngunit sa katapusan ng lahat, ang bawat ako pa rin ang mismong nagdedesisyon sa kung anuman ang nais niyang gawin. Ang iba’t ibang mga ako na ito ay hindi ko maaaring hulaan ang magiging desisyon. Dahil kahit ano pa man ang sabihin ko tungkol sa lahat ng uri ng tao, hindi ko sila kayang ikahon doon dahil isa silang tao na binibigkas bilang analogum—may kakayahang tumubo, may walang hanggang potensyal. At kasama sa walang hanggang potensyal na ito ay ang paggawa ng tunay na pilosopiya. Magpakatao.


Ngunit dahil tao rin sila kaya’t mas dapat hikayatin at pilitin na gawin ang lahat ng gawaing pan-tao—taong may pananagutan sa lahat ng kapwa. Kaya’t patuloy na nanghihikayat ang pilosopiya sa mga taong nagnanasa, at mas higit na inaakit ang mga naliligaw dahil bahagi ito ng kayabangan ng pilosopiya na bigyang kasagutan ang lahat—kahit ang mga walang hanggang potensyal ng pagpapakatao—bagaman hindi talaga malalaman ang lahat. At sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa, dapat natin itong gawin ng may katotohanan at patuloy at walang hanggang pagnanasa. Dapat magpakataong tunay. Dahil tayo ay taong tunay.


Kaya’t sa huli’t huli ng aking mga nabanggit at mga hindi nabanggit, at hindi mababanggit kailanman, hindi natin maihihiwalay ang tunay na pilosopiya sa tunay na pagpapakatao. Pilit nating kikilalanin at tatanggapin ang Meron at ang kawalang hangganan nito at kasabay nito ang ating tugon—ang magpakatao. Dahil tao ang gumagawa ng pilosopiyang tunay. Dahil tunay na pagpapakatao ang paggawa ko ng tunay na pilosopiya. Ito ang natutunan kong pilosopiya ng Pagpapakatao ngayong taon. At dahil dito, nagpapasalamat ako ng walang hanggan dahil nalaman ko na ako ay isang tanong na walang hanggang maghahanap ng mga kasagutan

Test

test