Wednesday, February 28, 2007

Heroes Personality Test


My score on The Heroes Personality Test:


style="font-size:18pt;font-weight:bold;">Matt Parkman/>style="font-size:12pt">(You scored 66 Idealism, 37 Nonconformity, 37 Nerdiness)
/>


I don't want to be a chump.
Congratulations, you're Matt Parkman! You're a great person: caring, hard-working, and honest. You might not have the best of luck, but you do your best in all areas of life. Your kind and responsible nature is rare, and you should be proud of it.

Your best quality: Heart
Your worst quality: You may take more abuse than you deserve



Link: The Heroes Personality Test
(OkCupid Free Online Dating)

Tuesday, February 27, 2007

Bertday

i saw my old notebook and nakita ko yung isang page na gumawa ako ng mga tula. Anyway, etong tula na ito ay ibibigay ko sana sa prolife(where we won 2nd place sa song-writing competition nung highschool) ulit.

Bertday

Makukulay na lobo
Nakatutuwang mga
payaso
Masarap na pagkain
Ang sa hapag ay nakahain

Regalong
magagarbo
Masasayang mga palaro
May palayok at pabitin
Upang handaa’y
paligayahin

O anong sarap ng feeling
Kapag para sa iyo’s may
piging
At kung nabigyan lang sana ako
ng isang pagkakataon
Ikatlong
bertday ko na sana ngayon

Thursday, February 22, 2007

HALAGA

Umiiyak ka na naman
Langya talaga , wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa

Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan

Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka

Chorus:
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga

Hindi na dapat pag-usapan pa
Nagpapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig

Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo’y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba’t di mo makayanan na iwanan sya

Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang
Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo

Minsan hindi ko maintindihan
Parang ang buhay natin ay napagti-tripan
Medyo Malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siya’y pinapangarap ko

Tuesday, February 20, 2007

Missing Voltes V

How swiftly time passes.
i was browsing through voltes v's friendster account and i suddenly saw myself walking back through memory lanes. Napakadami na pala talaga ang napagdaanan ng aming barkada. Haayy…

Nagsimula ang lahat nung summer ng 2003. pare-pareho kami ng schedule noon although we were not classmates naman. We came from two separate groups. The first one was zippy(ako yun), vannie, and phi( ang grupong gumigimik after math classes (kahit Monday!) ) and the second group was gil, ken and zippy ( the forever groupmates in all filipino and cs projects). Yun, pag nagyayaya kami mag lunch along katipunan, walang ibang sumasama kundi kaming 5 lang. since half day lang naman kasi ang schedule ng most of our blockmates, they’d rather go home na lang and eat there to save money. Hanggang hindi na namin napansin na we are comfortable na sa isa’t isa.

1st sem ng second year college namin. Lalo pa kami naging bonded dahil sa isang sentence na sinulat ng physics professor naming sa board nang sinermonan nya kami. “Familiarity breeds contempt!” at pinatayo nya ang voltes team sa class. Pagkatapos nun, hindi ko na alam kung ano ang nangyari. It seems that there was an inevitable force na nasa gitna naming at tila hindi na kami mapaghiwalay. Parang centrifugal at centripetal force. Lagi na kami magkakasama. Pinagsasabay namin mga schedule namin. Magkakagrupo na kami lagi sa mga projects. Isa na talaga kaming team.

Madami pa kami pinagdaanan. Mga tampuhan. Shakeys, kick me, close to tears, kabag sa ulo. Mga out of towns. EK, Lipa, Subic. Endless movies and food trips. Naovercut pa nga ako sa modern jazz dahil dyan.

And now, I miss them. I really do. Minsan na lang kami nagkikita-kita at nagkakausap. Nasa magkakaibang companies na kami. 3 sa canon, 1 sa globe, at ako sa HP. Madalas pag may birthdays na lang kami nagkakasama. wala na yung tipong pag trip lang, gigimmik na. pero kahit ganun, we all know that we remain to be good friends.